NAGBABAGO na talaga ang panahon. Dahil sa imbensiyong selfie, mas pinagkakaabalahan ngayon ng mga tao ang pagpo-post ng Halloween costumes o dili kaya’y parang tunay na sugat at dugo sa mga mukha nila.
Mas kumaunti na ang nasa simbahan para ipagdasal ang mga pumanaw. Ang mga nagpunta naman sa sementeryo ay dumayo para sa kainan dahil santambak na ang food carts doon. Kawawang mga patay. Siguro mas maigi kung sila na lang kaya ang dumalaw sa dati nilang bahay at mahal sa buhay.
ANG UNDAS
Ang kapistahan ng Todos los Santos o Araw ng mga Santo, ay ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre bilang paggunita sa lahat ng mga martir at banal.
Ang ika-31 ng Oktubre naman ay tinatawag na Halloween sa Ingles, katumbas ng bisperas ng Todos los Santos o Gabi ng Pangaluluwa.
Dito sa atin, palasak na tinatawag itong Pista ng Patay, o Undas. Ang piniling araw na ito, ay isang paggunitang pagano na inilalaan ang masasama at walang pahingang mga kaluluwa ng mga namatay. Ang ika-2 ng Nobyembre naman, ang Araw ng mga Kaluluwa, ay paggunita sa lahat ng yumaong mananampalataya na hindi pa nadadalisay at nakararating sa langit.
ANG KAMATAYAN AYON SA PASYENTE
Isang director of critical care and resuscitation research sa New York City, na si Dr. Sam Parnia ang nagsabing “dying is very comfortable”. Idinagdag pa niya, “Death is a process.When the heart stops, all life processes go out. The final result is we have a deduction of oxygen that gets inside the brain. That is the time that doctors use to pronounce the time of death.”
Ayon naman sa mga pasyenteng nai-revive, “they describe a sensation of a bright, warm light that draws people towards it. Many experience seeing their deceased relatives welcoming them. These people often say that they didn’t want to come back any more to life.”
ANG KAMATAYAN AYON SA SIYENSIYA
Ano ang naghihintay sa atin kapag nawalan na ng buhay ang ating pisikal na katawan? Ano ang mangyayari sa ating ‘consciousness’ o kamalayan? Death ayon sa mga biologist is one of the greatest mystery known to human beings. While there is compelling evidence that there is life after death and that consciousness survives death, there are also research evidence that it does not and the truth is no one knows for sure what happens when we die. Kahit gaano pa katalino ang mga siyentipiko, pagdating sa kamatayan, aminado silang sila’y ‘b-o-b-o’.
ANG KAMATAYAN AYON SA SIRUHANO
Ayon sa isang pamosong doktor at author of Love, Medicine, and Miracles, na si Dr. Bernie Siegel, “What I am sure happens to consciousness after death is that it continues on. Your body is gone, but what you have experienced and are aware of will go on in the life after death. So somebody will be born with your consciousness, and it will affect the life they live. Whether I’m right or wrong, I have to say that, as long as it’s therapeutic that’s what I’m interested in.” So naniniwala pala siya sa reincarnation?
ANG KAMATAYAN AYON SA BUDHISMO
The Buddha, Siddhartha Gautama, did not claim to be a god, but rather an enlightened man. According to Buddhism, there are 3 types of death. 1. The end of life. – No matter how long we live, once the life that we obtained from our past karma is finished, we will die. 2. The exhaustion of merit. – We need daily necessities such as food, clothing, and shelter in order to live. Some of us may die before we reach old age because of the exhaustion of our merits. 3. Death at a time when one should not die. – Some of us may die because of wars, accidents, sickness, lack of nutrition, or over-work.
Buti pa siya hindi nagpapantasiya. E ‘yung isang sumikat sa FB?
ANG KAMATAYAN AYON SA BIBLIYA
Aminin natin, it is a question that has crossed everyone’s mind, because death happens to all. Walang exempted. Death is the unconquerable foe that has taken over great people from Alexander the Great to celebrities, billionaires, good and evil ones. The Bible compares death to sleep more than 50 times. After death we are asleep, we are unconscious; we are not aware of the passing of time or of what is going on around us. “For the living know that they will die; but the dead know nothing, their love, their hatred, and their envy have now perished,” ayon sa Ecclesiastes 9:5.
So ‘yung patay, hindi na ‘yan magbubuhat ng lamesa at bangko kahit anong tawag ng mga espiritista.
MAY BUHAY BA MATAPOS MAMATAY?
Bagama’t ang ating katawan ay mamamatay, ayon kay Jesus, “He who believes in Me, though he may die, he shall live” (John 11:25). The Bible says that all those who have died—both righteous and wicked—will be raised to life in one of two resurrections. The righteous do not go to heaven when they die. They remain asleep in the grave until Jesus returns and raises them to immortal life (1Corinthians 15:50-57).
So, mali pala ‘yun sinasabi ng iba na nasa heaven na agad ang namatay? Hinihintay pa pala nila ang pagbabalik ni Hesus bago sila muling buhayin. Iyon ay kung sila ay namuhay ng matuwid at sumasampalataya.
BINABANTAYAN BA TAYO NG NAMATAY?
“Andiyan lang sa tabi mo at binabantayan ka,” ang madalas nating naririnig sa mga taong gustong gunitain ang namatay na minamahal.
Are dead people really watching us? No, the dead are unconscious of what is happening on earth. Muli ayon sa Ecclesiastes 9:5, “For the living know that they will die; But the dead know nothing, and they have no more reward, for the memory of them is forgotten.
“Hindi nila tayo binabantayan o pinakikialaman. Hindi tayo kailangan humingi sa kanila ng numerong tatama sa lotto. Hindi natin sila kailangan alayan ng plato o pagkain. Ang kailangan nila ay pag-alala at dasal.
MAY PAG-ASA BA?
Minsan tinatanong ko ang aking sarili kung bakit may mga batang pasyente na may leukemia.
Bakit sila pa at hindi na lang iyong mga corrupt at masasama? Bakit kailangan nilang magdusa sa murang edad? Bakit din may mga paslit na halos ilang araw lang nabubuhay pagkasilang? Ito ba ay parusa sa ibang nagkasala?
We can never truly understand. Ngunit ang magandang balita, ayon sa Revelation 21:4, “And God will wipe away every tear from their eyes; there shall be no more death, nor sorrow, nor crying. There shall be no more pain, for the former things have passed away.” May ginhawa palang nag-aantay. Be blessed everyone!
*Quotes
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.