UNDAS GUNITAIN SA PANALANGIN, HINDI SA SUGAL – FR. BELMONTE

SUGAL-2

KASABAY  ng nalalapit na paggunita ng Undas ngayong Nobyembre, pinaalalahanan ng isang paring Katoliko ang mga mananampalataya na ang naturang okasyon ay dapat ilaan sa taimtim na pananalangin para sa kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay, at hindi sa pagsusugal, pag-iinuman at pagkakalat sa mga sementeryo.

Ayon kay Father Charles Belmonte, isang theologian, na may mahigit 30-taon ang pastoral work experience sa bansa, tuwing Undas ay nililinis, pi­nipinturahan at dinadalhan ng bulaklak at mga kandila ang mga puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.

Gayunman, tila nakali­limutan naman ng mga ito na mas mahalagang maipagdasal ang mga kaluluwa ng mga yumao para sa ikapapayapa ng mga ito.

Karamihan kasi sa mga nagtutungo sa sementeryo ay nagsusugal, nagkakasayahan, at nag-iinuman lamang, sa halip na manalangin, at madalas ay nag-iiwan pa ng kalat sa mga sementeryo.

“The vast crowds that flock to the cemeteries on All Saints’ Day and All Souls’ Day show that people in the Philippines are openly pious, but there is a need for a greater understanding for the Christian reverence for the dead as well as of the meaning of Christian death in the light of the promise of a future resurrection,” ani Belmonte.

“Tombs are cleaned and repainted, flowers are offered and candles are lit, but many might have forgotten the significance of these commemorations as seen in the general lack of atmosphere of prayer in the cemeteries or during wakes,” aniya pa.

Upang ipakita naman ang kanyang suporta sa new evangelization efforts ng simbahan sa panahon ng mga popular na okasyon tulad ng Undas, sumulat ng isang handy booklet ang pari upang magsilbing gabay ng mga mananampalataya sa pag-aalay ng panalangin para sa kaluluwa ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

“The booklet will help deepen our faith and enhance our piety for the dead, providing us with proper prayers and rites. It presents the Church’s genuine teaching on the commemoration of the dead that will free the faithful from traces of superstition that unfortunately have found their way into some practices through the years,” aniya.

“‘Prayers for the Dead’ is a material highly recommended for priests and lay persons when visiting wakes or cemeteries and in celebrating funerals, death anniversaries, or ‘Undas’,” dagdag pa ni Belmonte.

Nabatid na si Belmonte ay siyang may-akda ng iba pang best-selling Catholic books tulad ng “Understanding the Mass”, “Do You Want to be Great? (On Humility)”, “Aba Ginoong Maria”, at “The Echo of the Gospel”.

Siya rin ang editor ng “Faith Seeking Understanding” at co-editor ng “Daily Roman Missal” at ng  “Handbook of Prayers”.         ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.