NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na ipagdiwang ang Undas nang mataimtim at mapayapa.
Sa kanyang vlog, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga bibisita sa sementeryo na panatilihing malinis ito at sundin ang mga patakaran.
Kaugnay nito, nagtayo ng halos 5,000 police assistance desks ang Philippine National Police sa lahat ng public cemeteries at memorial parks.
Mahigit 27,000 PNP personnel ang ipinakalat sa bansa bilang parte ng heightened alert measures para sa Undas.
Nagtalaga rin ang Bureau of Fire Protection ng mga tauhan sa emergency medical services nito sa 66 na sementeryo sa Metro Manila.
Samantala, sinabihan ng Pangulo ang mga magbabakasyon ngayong Undas na mag-ingat.