UNDAS MAPAYAPANG GINUNITA

Undas

NAGING mapayapa ang paggunita ng All Saints’ Day sa mga sementeryo sa Metro Manila.

Ito ang inihayag kahapon ni  National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas.

Biyernes ng umaga nang mag-ikot si Sinas sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Ayon dito, walang  napaulat na hindi inaasahang insidente sa mga sementeryo.

Hindi rin aniya matindi ang siksikan ng mga taong bumibisita sa mga sementeryo.

Matatandaang  una nang nag-deploy ang PNP ng 35,000 mga pulis para magbantay sa mga matataong lugar ngayong Undas, katuwang nila  ang 100,000 mga force multipliers na kinabibilang ng mga barangay tanod at private groups.

Itinaas nitong Lunes ng  PNP sa full alert status ang  kanilang hanay para masiguro  na magiging payapa ang buong panahon na paggunita ng Undas.