Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Sinabi ng Pangulo na ang Undas ay panahon ng pagninilay-nilay kung saan inaalala ang mga yumaong mga mahal sa buhay at mananampalatayang namuhay nang may karangalan, sakripisyo, at paglilingkod.
“Today, we remember those who paved the way for our present prosperity through their example of faith and love for others,” anang Pangulo.
“This is the opportune moment to fortify our bond for the betterment of our spiritual life, not only with the divine but also with one another. It reminds us of striving towards those virtues that have defined the saints with their extraordinary compassion, kindness, and humility,” dagdag niya.
Hinikayat din ng Pangulo ang mamamayan na gugulin ang paggunita ng Undas upang bisitahin ang himlayan ng mga namayapang mahal sa buhay at mag-alay ng panalangin at pasasalamat para sa kanila.
“May this remind us of the values that shall endure through us as a nation: faith. resilience, and hope. Reflecting on our journey in this world, let us strive to live with love and compassion for others, ever seeking the common good, just as the saints and our loved ones did in their time,” saad ng Pangulo.