UNDERVALUATION SA RICE IMPORTS ITINANGGI NG BOC

rice

PINABULAANAN ng Bureau of Customs (BOC) ang  pahayag ng  Federation of Free Farmers, Inc. (FFF) na undervalued ang inaangkat na bigas ng pamahalaan mula sa ibang bansa.

Batay sa data  ng BOC Assessment Operations and Coordinating Group (AOCG), ang tanggapan ng Import Assessment Service (IAS) ang nagkakaloob  ng reference values sa pag-angkat ng bigas para makasiguro na ang declared value ay tama.

Hindi  rin umano maaring ma-undervalue o itaas ang taripa sa rice importation dahil mayroong sinusunod na batas ang BOC pagdating dito,  bukod   pa ay  tinitingnan din ang kapakanan ng mga local rice producer.

Ayon sa BOC, lahat ng ports of entry sa bansa ay sumusunod sa naka-publish na data  maliban na lamang  kung ang commercial invoice ng rice shipment ay suportado ng  tunay at validated na  proof of payment bilang  bank telegraphic transfer of payment, sales contract na nagpapatunay na legitimate ang  sales transaction sa pagitan ng seller at buyer.

Dagdag pa ng BOC, ang sistema na ito ay suportado  at kinikilala ng  World Trade Organization dahil  ang Filipinas ay isa sa signatory.

At nakasaad sa naturang usapin na ang BOCna may karapatan na magpatupad ng Rice Import Tarification Law o rice importation sa ilalim ng Republic Act No. 11203  ang  naging daan upang makakolekta ng P10 billion mula sa tariffs.        FROI MORALLOS

Comments are closed.