(Sa pagtaya ng ekonomista) UNEMPLOYMENT RATE MANANATILI SA 3-4% LEVEL

POSIBLENG manatili ang unemployment rate sa 4-percent level sa mga darating na buwan, ayon sa isang ekonomista.

Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort na sa kasalukuyan ay sinusuportahan pa rin ng economic indicators, gayundin ng mas magandang corporate sales at earnings, ang disenteng employment data.

Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang February 2024 labor force data sa susunod na linggo.

Hanggang noong Enero ng kasalukuyang taon, ang unemployment rate ng bansa ay nasa 4.5 percent.

Ayon kay Ricafort, ang Holy Week holiday-related spending ay posibleng nakapag-ambag sa mas maraming trabaho.

“Holy Week holiday-related spending, considered the next biggest after the Christmas season, entailing more employment, would also be a factor toward March for employment and other economic data, “ aniya.

Sinabi niya na sa mga darating na buwan, ang unemployment rate ay tinatayang mananatili sa 3%-4% level, na disente pa rin at pinakamababa sa loob ng  18 taon o magmula nang magsimula ang revised records noong 2005.

Nauna nang nangako ang National Economic and Development Authority (NEDA) na lilikha ang pamahalaan ng kaaya-ayang  business environment upang makaakit ng local at foreign investments sa bansa para sa mas maraming high-quality employment opportunities.

“The government sustains its push to attract more job-generating investments by creating an enabling policy and regulatory environment. At the same time, linkages between industry, the academe, and the public sector will be strengthened to address skill mismatches in the labor market,” sabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Umaasa si Balisacan sa Trabaho Para sa Bayan (TPB) Act upang lumikha ng mas maraming trabaho.

“Our next task is to develop the Trabaho Para sa Bayan Plan, which will serve as the country’s master plan for generating employment and creating high-quality jobs,” aniya.

(PNA)