BUMIDA ang mga miyembro ng Philippine Team nang sandigan ang kani-kanilang koponan, habang naging matatag ang Team Joola sa Executive Open sa ginanap na Uni-Orient 16th TATAND (Table Tennis Association for National Development) Inter-Scholastic Table Tennis League kamakailan sa San Beda University gymnasium sa Mendiola, Manila.
Pinangunahan nina John Diez at Ramito Romualdo, kapwa nakalusot sa isinagawang national tryouts para sa National training pool, kasama sina Francis Bendebel at Kerbie Sta. Ana, ang National University laban sa University of Santo Tomas sa college men’s team open play ng torneo na inorganisa ng TATAND at itinaguyod ng Uni-Orient Tour at Joola equipment.
Kabilang si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez sa mga panauhin na nakiisa sa opening cer-emony, gayundin ang mga opisyal ng TATAND, sa pangunguna nina honorary president Charlie Lim at Philip Uy. Nangibabaw ang Philippine ranked player na si Emy Rose Dael para sandigan ang La Salle sa kampeonato laban sa San Beda University. Kasama ng 20-anyos na si Dael sina Jannah Romero, Chantal Rei Alberto at Yna Co sa dominanteng kampanya sa dalawang araw na torneo.
Nakumpleto ni Dael ang double celebration nang pagwagian ang women’s single open title laban kay Sherlyn Love Gabisay ng UST.
Sa Veterans/Executive class, naisalba nina Peter Lam, Philip Uy, Makoy Yeh at Mike Dalumpines ng Team Joola ang matikas na ratsada ng PNP Crime Lab-Altruists nina Paul Puentespina, Rodel Valle, Col Bonnie Chua at Emon Abonitalla sa championship match.
Nakamit ng Triple Charles nina Charlie Lim, dating national player Julius Esposo, Gigi Aguinalde atGregorio Pascua ang ikatlong puwesto.
Sa isa pang event, nagwagi ang DLS-Zobel – EJ Yamson, Dino Marcelo, Neo Laudato at Ludwig Salloman – sa high school boys team open (Grade 7-12); nanaig ang Star Power — CJ Yamson,Gab Docto, Dylan Ancheta at Marc Steven Pabelic—sa elementary boys team (Gr. 1-6); kampeon ang Spin & Drive – Samantha Bandojo, Lorraine Almodovar, Julianne Bandojo at Cate Jazzlyne Sarmiento – sa elementary girls team open (Gr. 1-6);
bumida sa Blue Chief sina Jayvee Nuera, Lyndon Jose at Kian Bolado para sa college men’s team class B; habang nanguna ang Ateneo — Trina Cruz, Hellari Calvo, Angela Borbon at Geque Carado – sa college women’s team Class B.
Comments are closed.