UNIFIED TRAVEL PROTOCOLS SA TOURIST SPOTS

Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

NAIS ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na magkaroon ng uniform travel protocols sa mga tourist destination sa bansa.

“’Gusto ko sana uniform na ang travel protocols kasi per destination iba-iba talaga ang protocols. Siguro nagsisimula pa lang, eventually we hope na may isa lang travel protocols, hindi ‘yung papunta ka isang lugar, ‘yung iba kasi nagdya-jump from one province to another iba-iba ang protocol,” ayon kay Romulo-Puyat.

Nauna nang niluwagan ng pamahalaan ang requirements para sa domestic tourism sa harap ng pag-asang mapalakas ang ekonomiya ng bansa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa requirements ang negative CO­VID-19 test results at travel authority documents, na maaring mag-iba sa pupuntahan.

Pinaalalahanan ni Puyat ang mga turista na makipag-ugnayan sa  local government units o i-check ang phone app ng DOT para sa requirements sa bawat tourist destination.

Walong tourist spots na ang binuksan buhat nang luwagan ng pamahalaan ang travel protocols. Ang mga ito ay ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, Baguio City, Bohol, Boracay, Siargao, El Nido, at Coron, Palawan.

Comments are closed.