NAPAGKASUNDUAN ng lahat ng mga mayor sa National Capital Region (NCR) ang usapin sa pagbibigay ng uniform vaccination certificate ng kasakuluyang buwan para sa mga fully vaccinated na indibidwal ng kani-kanilang mga nasasakupan.
Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang Information technology (IT) experts ng lahat ng lungsod ay nagsimula nang mag-download ng mga impormasyon at listahan ng mga indibidwal na nabakunahan na sa Department of Information and Communication Technology (DICT) para sa pag-isyu ng unified vaccination certificate.
Layunin ng mga Metro Manila local government units (LGUs) na kumpletuhin ang submisyon ng unified vaccination certificate itong buwan na kasalukuyan.
“Ang lahat ng LGUs ay mayroong mga service provider na sa ngayon ay nasalukuyang nagdo-download ng impormasyon sa DICT para mapagsama-sama ang mga data,” ani Olivarez.
Dagdag pa nito, ang unified vaccination card ay napakaimportante lalo na sa mga bumibiyaheng mga kababyan pati na rin ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sinabi din ng MMC chairman na ang mga Pilipino na bumibiyahe sa ibang bansa ay kinakailangang kumuha ng International Certificate of Vaccination (ICV) o ang tinatawag na yellow card bilang patunay ng kanilang pagpapabakuna sa Bureau of Quarantine. MARIVIC FERNANDEZ
773083 166944A quite informationrmative post and lots of actually honest and forthright comments made! This definitely got me thinking a great deal about this issue so cheers a great deal for dropping! 544460