IGINIIT ni Senate Committee on Health chairman Christopher ‘Bong’ Go na kailangan ang “unified whole-of-nation approach” para mapalakas ang paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Sa virtual meeting kasama ang mga top government official at mga kinatawan ng medical at business sector, sinabi ni Go na kinikilala ang halaga, karanasan at kaalaman ng mga ito sa laban sa pandemic kaya naman siniguro niya sa mga ito ang kahandaan ng pamahalaan na pakinggan ang kanilang mga payo.
Sinabi ni Go na maging siya ay hindi naman expert sa larangan ng kalusugan kaya gagawin niya ang kanyang makakaya para bigyan ng boses ang mga health expert para makabuo ng pambansang estratehiya para labanan ang COVID-19.
Kinilala rin ni Go ang ambag ng business sector at ang medical community sa promotion at protection ng kapakanan ng mga kapwa Filipino.
Binigyang diin ni Go na walang katumbas ang sakripisyo ng mga medical frontliner para malampasan ang pandemyang dulot ng virus.
Dagdag ni Go, dapat ding pasalamatan ang business sector dahil sa pakikipagbayanihan at pakikipagtulungan sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
Aniya, malaking ang tulong ng dalawang sektor para sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19 maging sa paghahanda sa long-lasting recovery at sustainable future. VICKY CERVALES
Comments are closed.