UNILEVER FACTORY INAUGURATION RESULTA NG FOREIGN TRIPS NI PBBM

NAKAKAMIT na ang resulta ng mga paglabas sa bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pagpapasinaya sa Unilever factory sa Cavite.

Sinabi ni Pangulong Marcos na isa ito sa resulta ng foreign trips sa Belgium kung saan siya dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Summit noong December 2022.

“I would like to note that this major investment is amongst the pledges that we received during our trip to Belgium for the ASEAN-EU Summit last December,” bahagi ng talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Unilever’s New Beauty, Well-Being, and Personal Care Factory (BWPC).

Magugunitang nakaharap ng Pangulo ang mga opisyal ng British multinational company, Unilever, noong December 2022 nang magtungo sa Brussels, Belgium, at tinanggap ang investment pledge mula sa Unilever na P4.7 billion.

Ang bagong planta ay tutugon sa parehong domestic at export na mga pangangailangan ng mga produkto nito na may target na halos 90,000 tonelada ng iba’t ibang mga personal na produkto para sa pangangalaga sa buhok at balat na gagawin at ipamamahagi taon-taon.

Ang Pilipinas ay gumagawa na ngayon ng hakbang palapit sa sama-samang pananaw ng sambayanang Pilipino ng isang mas progresibo, makapangyarihan, at napapanatiling bagong Pilipinas sa inagurasyon ng BWPC, ayon sa Pangulo.

“To see this project come to fruition after just several months is not only encouraging, it also inspires me and the rest of the government to work even harder for the Filipino people,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Pinuri ng Pangulo ang Unilever Philippines para sa pagtatayo ng high-technology at sustainability-driven manufacturing facility nito para sa mga personal care products dahil binigyang-diin niya na ito ay isang shared effort sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor sa pagpapalakas ng industriya ng pagmamanupaktura ng bansa.

“So, I extend my gratitude once again to Unilever for your continued trust and confidence in the Philippines and in the talent of the Filipino people… I also express my admiration for your commitment to expand your footprint and champion inclusivity and social responsibility by making products more accessible and affordable,” dagdag pa ng Pangulo.
EVELYN QUIROZ