UNIQLO UMAYUDA SA MGA PAMILYA NA APEKTADO NG MGA BAGYONG ROLLY AT ULYSSES

UNIQLO

NAKIRAMAY ang Japanese global apparel retailer UNIQLO sa mga pamilya na apektado ng mga bagyong Rolly at Ulysses sa Filipinas.

Bilang suporta sa relief at recovery efforts, ang UNIQLO, sa pamamagitan ng parent company nito na Fast Retailing, ay magdo-donate  ng 1 million USD (approx. 48 million sa PHP).

Ang donasyon ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng SM Foundation, isang entity na namamahala sa  CSR activities ng SM Group – ang management partner ng UNIQLO sa Filipinas. Ang donasyon ay gagamitin sa pagkakaloob ng emergency food supplies at muling pagtatayo sa mga binahang bahay, gayundin sa konstruksiyon ng preventative infrastructure sa mga lugar na bahain.

Bukod dito, ang UNIQLO sa Filipinas ay magdo-donate ng 300,000 AIRism masks sa mga apektadong lugar sa pamamagitan ng SM Foundation. Ang masks ay ipagkakaloob sa mga evacuee sa mga apektadong lugar ng Bicol Region, Bulacan, Cagayan, Isabela, Pampanga, at Rizal provinces, gayundin sa Marikina City.

Binuksan ng UNIQLO ang unang store nito sa Filipinas sa Manila noong June 2012, at kasalukuyang nag-ooperate ng 60 stores sa buong bansa.  Ang mga bagyo ay hindi nagkaroon ng anumang direktang pinsala sa UNIQLO stores.

Umaasa ang UNIQLO sa mabilis na pagbangon ng naturang mga rehiyon at pagbalik sa normal na pamumuhay ng mga pamilya na apektado ng kalamidad sa lalong madaling pa­nahon.

Comments are closed.