UPANG matiyak ang kaligtasan at proteksiyon ng lahat, ang BBM-Sara UniTeam headquarters sa Mandaluyong City ay mananatiling sarado sa loob ng isang linggo matapos ang malaking bilang ng mga kawani at boluntaryo nito ay nagpositibo sa coronavirus sa isinagawang facility-wide RT-PCR test na isinagawa noong Biyernes noong nakaraang linggo.
Nauna rito, mahigit 30 staff at volunteers ng HQ ang nagpositibo sa virus sa antigen testing noong nakaraang Lunes na nag-udyok kay dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na iutos ang pagsasara sa gusali.
Kasunod nito ay nagsagawa ng RT-PCR test at ang resulta ay 68 staff ang nakumpirmang positibo sa Covid-19.
Agad namang naglabas ng bulletin at pinauwi na ang lahat ng empleyado, maliban sa skeletal force na inatasan sa paghahanda at karagdagang pamamahagi ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’.
“This (distribution of relief goods) cannot stop because the typhoon victims needed it badly and we have to keep our promise to help them get back on their feet,” ayon kay dating Davao congressman and UniTeam’s political officer Anton Lagdameo.
Kasama sa nahawahan ng Covid19 ang chief of staff and spokesman lawyer Vic Rodriguez, kung saan na-expose si Marcos at ilang close-in security personnel.
Sinabi ni Lagdameo na “Nalungkot si Bongbong sa mga hindi kanais-nais na pangyayari, ngunit pinayuhan ang lahat na manatiling nakatutok at huwag hayaang mapahina ang kanilang espiritu dahil sa ngayon ang pangunahing alalahanin natin ay ang ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette at ng bagong pag-atake ng coronavirus.