MAHIGIT 300 mga doktor mula sa General Santos at mga kalapit na bayan ang nagpahayag ng suporta sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running-mate niya na si Inday Sara Duterte.
Nakadaupang palad ni Marcos ang 20 doktor sa General Santos City, at tinawag nila na “UniteaMD” ang kanilang samahan para ipakita na buo ang kanilang suporta sa BBM-Sara UniTeam.
Sa pangunguna ng kanilang tagapagsalita at presidente ng medical society na si Dr. Jun Demontaño sinabi nito na marami sa kanilang hanay ang suportado ang UniTeam at naniniwalang ang BBM-Sara tandem ang makapagpapatibay ng mga programa para sa kanilang sektor.
“We are 380 doctors strong in my group who fully support BBM and Sara, pero 20 lang kaming nandito, naniniwala kami na matutulungan nilang dalawa ang medical society, handa kaming makipagtulungan sa kanila,” ayon kay Dr. Demontaño.
“We took the effort of printing the logo and t-shirts, tawag namin sa aming grupo ay UniteaMD.”
“Aniya patunay lang ito na buo ang aming suporta sa tambalan ni BBM at Sara,” dagdag pa ng doktor.
Sinabi pa ng doktor na kailangan nila ng tulong ng tambalang Marcos at Duterte, dahil ang dalawa ang may kakayahan na gawin ang mga programa para sa ikabubuti ng kanilang hanay.
“Alam namin na matutulungan kami ni BBM at Sara, lalo na sa pagsasaayos ng PhilHealth, hindi lang sa hospital pati sa mga doktor din, sa kanilang kakayahan at experience mapapalakas nila ang Universal Health Care,” sabi ni Dr. Demontaño.
Handa rin silang makipagtulungan kung sakaling manalo si Marcos at Duterte.
Diin pa niya na kailangan na pakinggan din ang kanilang suhestiyon pagdating sa usaping pang-kalusugan.
“Kailangan din pakinggan ang mga doktor, we can give suggestion kung paano po ma-improve ang implemetation sa Universal Health Care and other programs, we are willing to help,” sabi pa ng doktor.
Pinapurihan naman ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang mga doktor sa sakripisyo at pagsisikap nito sa kanilang trabaho sa loob ng dalawang taon noong panahon ng pandemya hanggang ngayon.
“May I please express the gratitude of Filipino people to all our frontliners, to our doctors, nurses and medical staff who work so hard over the last 2 years to keep us healthy, I know the sacrifices that you have made, the risk you have taken and yet you continue to work and being true to your oath, especially uniteaMD,” pahayag ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Nagpasalamat din siya sa UniteaMD dahil sa ipinakita nitong pagmamahal at suporta sa kanilang tambalan ni Marcos at Duterte.
“Your expression of support and trust is not only for our candidates but also for the idea and concepts and the cost of unity that we all believe in because it is something that necessary so that our country to move forward, maraming-maraming salamat sa inyong tulong, sa inyong suporta.”
Nangako rin si Marcos na kung sakaling palarin sila ni Mayor Inday Sara at ibang miyembro ng UniTeam ay makikipagtulungan sila at sinisiguradong nasa puso at isipan nila ang mga doktor, nurses at ibang health workers.
“Ang ating mga doktor ay suportadong-suportado ng UniTeam, alam namin anong hirap, anong pagod at takot ang kinakaharap ninyo, asahan po ninyo na kung sakaling kami ay palarin, makikipagtulungan po kami, lagi po kayong nasa puso at isipan namin dahil sa sakripisyo ninyo sa bansa,” pagtatapos ni Marcos.