IDARAOS ang Unity Games ng IGLESIA NI CRISTO, sakop ng Metro Manila North, ngayong araw, simula sa alas-7:30 ng umaga. Tampok ang men’s basketball tournament at women’s volleyball.
Sa basketball, hinati sa apat na area ang mga lokal ng District Metro Manila North. Ang area one (Bukid area) ay kinabibilangan ng Bagong Silang 1, Bagong Silang 5, Bagong Silang 9, Brixtonville, Camarines, Deparo, Maligaya, Mountain Heights, Palmera, St. Dominic, Dto Cristo at Tala Estate.
Ang area 2 (Malinta) ay binubuo naman ng Bagbaguin, Katunayan, Lingunan, Gen. T. de Leon, Malinta, Mapulang Lupa, Polo, Parada, Punturin at Skyline.
Sa Area 3 (Malabon/Navotas) ay ang Ang Kaunlaran 1, Kaunlaran 3, Kaunlaran main, Letre, Malabon, Naval, Navotas, Panghulo, Tangos, at Tinajeros, at panghuling Area 4 (Caloocan) Balintawak, Caloocan, Grace Park, Kalandang, M.H Del Pilar, North Diversion, Sangandaan, Sta. Quiteria, Tandangsora at Valenzuela.
Ang unang magsisipaglaro ng basketball at volleyball ay ang Buklod, kasunod ang Kadiwa at Binhi.
Ang lahat ay excited sa gaganaping isang araw na UNITY GAMES, walang nakalaang premyo kundi dito makikita ang pagiging sports ng kapatiran sa Iglesia Ni Cristo at PAKIKIPAGKAISA. Masaya itong aktibidad na gagawin ngayong araw na ito sa iba’t ibang venue. Nagpapasalamat ang lahat sa District officers ng BUKLOD na siyang host. Tulong-tulong para maisaayos ang lahat ng ito, lalo na sa gabay ng KSKP ng MMN na si Kapatid na Joel Palad, at ang TAGAPANGASIWANG PANGKALAHATAN, ang Kapatid na Senen Capulong, gayundin ang Pangalawang TAGAPANGASIWA, ang Kapatid na Ronald Canlas.
Siyempre pa, ang bumubuo ng BUKLOD District officers, ang aming pangulo na si Engr. Marlon Mercado, pangalawang pangulo na si Atty. Raymon Alis, kalihim Sis. Jhoanne Mintellano Alis, Khai Gumatay, Edna Aguilar Lu, Rosie Lumbre, Vera Balagtas, Sis.Yolanda Padua, Girly Mercado at ang inyong lingkod, kasama pa sa SCA sina Bro. Joey Padua, Bros. Roger Olalo Jr., Dario Mendoza, Jamie Gonzales, Crescendo Pahayag, Fernan Reyes, Ely Ignacio, Jim Lumbre, Romel de Guzman, Leonard Lu, Robert Avila, at Ronnie Gumatay. Good luck po sa lahat ng kalahok.
oOo
PAHABOL: Happy, happy birthday kay Sis. Girly Mercado, lokal ng Mountain Heights. May you have many many more birthdays to come. Greeting coming from Pop Pop girls and Avengers. We love you po, also from my family, Aquino – Manuel family. God bless!
Comments are closed.