UNITY PANAWAGAN NI PBBM SA ASEAN- GCC MEMBERS

Riyadh, KSA- NANAWAGAN ng pagkakaisa, kapayapaan, seguridad at katatagan sa South China Sea at Arabian Sea si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang dumalo ito sa 1st Gulf Cooperation Council (GCC) – Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na ginaganap dito.

Sa kanyang intervention hinimok ni Pangulong Marcos ang GCC-ASEAN members na maging instrumento para matiyak ang pagkakaisa at kapayapaan para sa nasabing mga karagaratan at tinukoy ang kahalagaan ng kooperasyon sa bawat miyembro ng dalawang regional groups para matiyak na magpapatuloy ang pag-unlad.

“As the two regional organizations located astride the major sea gates and vital corridors of the world’s commerce and communications, it is imperative that we work together to promote peace, security, and stability in both our regions, the South China Sea, and the Arabian Sea, grounded on the rules-based international order to ensure stability and prosperity of our countries and the rest of the world,” anang Pangulo.

Aminado ang Pangulo na walang kasiguruhan ang kapayapaan at katatagan subalit kung magkakaisa ang bawat rehiyon matitiyak ang pag-unlad.

“Peace and stability are indispensable to ensuring continued prosperity in our respective regions and of the world,” dagdag ng Pangulo.

Ang mga miyembro ng GCC ay Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia at United Arab Emirates habang ang 10 ASEAN member countries ay ang Brunei, Burma (Myanmar), Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.
EVELYN QUIROZ