NANINIWALA si North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliňo-Mendoza na dahil sa pagkakaisa at tulungan ng mamamayan ay nakasama bilang 2018 Top 10 Most Competitive Provinces ang kaniyang nasasakupang lalawigan.
Aniya, ang pagpasok ng lalawigan ng North Cotabato sa National Competitiveness Council (NCC) ratings sa taong 2018 ay indikasyon din ng tuloy-tuloy na pamamayagpag ng probinsiya sa larangan ng ekonomiya.
Natutuwa rin aniya dahil matagumpay na nakapasa ang North Cotabato sa apat na kategorya ng NCC kabilang ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, at resiliency.
Ayon pa sa gobernadora, ito ay alinsunod na rin sa adbokasiya at programa na serbisyong totoo na naglalayong mapaangat ang antas ng pamumuhay ng mga Cotabateňo sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at proyekto.
Kaugnay nito, pinasalamatan niya ang bawat sektor at mga stakeholder sa patuloy na suporta at pagtitiwala sa kanyang liderato na aniya ay nagsisilbing inspirasyon sa kanya at mga kapuwa provincial leader. AIMEE ANOC
Comments are closed.