KASABAY ng pagsisimula ng election period sa Enero 19, magsasagawa ng unity walk ang National Movement for Free Election (Namfrel).
Ayon kay Namfrel SecGen Eric Jude Avila, isinusulong nila ang unity walk para sa malinis at mapayapang halalan.
Ang Namfrel ay non-partisan organization na tagapagbantay ng halalan sa Filipinas.
Magkakaroon din ng symbolic na pagpapalipad ng mga kalapati at covenant signing sa mga magkakatunggaling kandidato.
Magiging sentro ng aktibidad ang Metro Manila habang may mga aktibidad din sa iba’t ibang probinsiya na dadaluhan ng mga politiko, mga opisyal ng pulisya at militar, accredited watchdogs at iba pa.
Magsisimula ang campaign period para sa mga national candidate kabilang ang partylist sa Pebrero 12 hanggang Mayo 11 habang sa Marso 29 hanggang Mayo 11 sa local candidates.
Magsasagawa rin ng pagpupulong ang regional joint security control center upang i-assess ang mga lugar na posibleng ilagay sa election watchlist o hotspots.
Ang election period ay magtatagal hanggang Hunyo 12, 2019. AA
Comments are closed.