EVERYTIME na gumagawa tayo ng materyales na pang-breeding, isa po sa importanteng bantayan sa magiging anak ay ‘yung attitude niya kung siya ay nerbiyoso, maging stag man o pullet.
“Ang nerbiyoso po ay ‘yung nangungupete, nagangarayom, bumabalukag ang pulok at masyadong maingay na putak nang putak na ayaw magpahawak everytime na lalapitan mo, kapag ganoon po, it means hindi na kayang dalhin ng linyada kaya dapat i-breed na sa hindi kadugo para quality pa rin ang magiging anak hybrid vigor,” ang sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
Ayon pa kay Doc Marvin, ang mga cockerel o tatyaw sa edad 4-5 months ay nangangasta na pero ito rin ‘yung critical age na sila ay nagde-develop ng built ng kanilang katawan at hanggang 6 months ay mina-maximize ang kanilang pagtangkad.
“Pagdating ng 7 months ang edad, tigil na siya sa pagtangkad at lahat ng kinakain niya ay pupunta na lamang sa kanyang pangangatawan para bukang-buka ang buong katawan na malambot ang hipo,” ani Doc Marvin.
Pero para sa kanya, ang ideal age para gamitin na broodstag o ganador ay 8-9 months na para solid na ang kanyang pangangatawan at nakikita mo na ang kanyang full potential sa sparring.
“Ang isang stag na panlaban kung quality ang linyada ay nasa kalakasan o peak ang kanyang abilidad sa pakikipaglaban sa edad na 9-10 months, kabilisan at sariwang-sariwa po siya sa ganoong edad,” ani Doc Marvin.
Ayon pa sa kanya, sa edad na 5-6 months ay puwede nang mag-start mag-harvest ng stag.
“Importanteng maglagay ng pahila sa kanang paa pagkahuli sa range area para ‘di siya manibago sa cording o talian para maiwasan ang pamimilay at dapat po ready ang paglalagyan o stag pens,” sabi pa ni Doc Marvin.
“Facilities muna bago ang manok para scientific ang paglaki kasi habang sinasanay siya na may tali sa paa ay malaya pa rin siyang nakakatakbo at lipad, mahirap po kung diretso na agad siya na itatali, kalimitan po ay nagkakanerbiyos siya.”
Comments are closed.