UNIVERSAL HEALTH BILL TARGET MAIPASA BAGO MAG-OKTUBRE

Senador JV Ejercito

INIHAYAG ni Senador  JV Ejercito na target nilang maipasa sa Set­yembre ang Universal Health Bill na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Health and Demography, kampante siya na maihahabol ang pondo ng Universal Health Bill sa 2019 proposed national budget.

“I already made a committee report sa Universal Healthcare na isusumite ko na sa plenaryo. Medyo na-delay tayo kasi sa House naipasa na ‘yan noong isang taon pa pero sigurado tayo sa Senado kung maipapasa natin ito siguradong may pagkukunan tayo ng pondo. Kaya medyo nagtagal kasi marami pa tayong inayos na pagkukunan, ang isang nakita ko diyan ‘yung tobacco tax… ‘yung iba pa tulad ng PCSO, PAGCOR at iba pa ay dapat consolidated,” anang senador.

Samantala, umaasa din si Ejercito na matatalakay sa Senado ngayong linggo ang ini-akda niyang Dengvaxia Assistance program bill na sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, layunin ng panukala na i-monitor at tugunan ang pangangaila­ngan ng mga biktima partikular ng pamilya ng 71 batang namatay.

“Mayroong schedule ng urgent interpellation si Sen. Drilon bilang minority leader, so hopefully kung matatapos iyan by next week para maipasa na ito para magamit na itong budget na nasa isang bil­yong piso,” paliwanag ni Ejercito.  DWIZ 882

Comments are closed.