MAYNILA – INIIMBESTIGAHAN na ng Manila Police District kung sino ang nag-text sa tauhan ng Universidad de Manila na nagresulta ng pagkabulabog sa mga estudyante, guro at tauhan nito.
Sa record, nabulabog ang nasabing paaralan ng bomb threat sa bahagi ng Ermita, Sabado ng hapon.
Batay sa ulat, dumating ang police bomb disposal unit sa unibersidad para magsagawa ng inspeksiyon.
Ayon sa pulisya, mayroon ng nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng isang text message bandang 11:45 ng umaga.
Inabisuhan ang mga estudyante na lumikas sa unibersidad para sa pagsisiyasat ng bomb squad sa lugar.
Sinabi naman ng Universidad de Manila Vice Chancellor na si Ronald Herrera na walang natagpuang pampasabog sa paaralan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.