UNIVERSITY BUILDING NG PUP, 50% NG TAPOS – DPWH

DESIDIDO ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos na sa lalong madaling panahon ang ginagawang construction ng 4-storey Open University System Building ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Mabini Campus sa Sta. Mesa, Maynila.

Sinabi ni DPWH National Capital Region (NCR) Director Loreta M. Malaluan sa kanyang report kay DPWH Secretary Manuel M.Bonoan na ang mga civil works sa bagong gusali ng PUP ay kasalukuyang 50 porsiyento nang kumpleto.

Layon ng proyekto na makapagbigay ng mas magandang learning facility para sa mga mag-aaral. Ang PUP Open University System Building ay pinondohan ng P50 milyon.

Nagbibigay rin ito ng pagkakataon para sa mga estudyanteng may problema sa ekonomiya, out-of-school youth, guro, administrador, managers, propesyonal, at ordinaryong empleyado, na ituloy ang mga programang pang-degree at non-degree na kurso sa mas mababang halaga at mas flexible na iskedyul.

Sabi ng opisyal na ang institusyon ay nagbibigay ng mas maraming mga mag-aaral bawat taon, ang pangangailangan para sa mas mahusay na mga pasilidad ay inuuna ng pamunuan ng PUP.

Idinisenyo ang gusali upang mabigyan ang unibersidad ng isang mas kaaya-ayang kapaligiran, ang proyekto ay makakatulong sa pagsulong at pagpapaunlad ng akademiko at panlipunang pag-aaral para sa mga mag-aaral na nagtapos ng PUP.
PAUL ROLDAN