UN-LOCKING THE CLIMATE CHANGE PROBLEM

CLIMATE ACTION

(By: EDWIN CABRERA)

Taon-taon mula 1948 ay ipinagdiriwang ang United Nations Day. Ito ay alinsunod na rin sa selebrasyon ng pagkakatatag ng organisasyong United Nations. Sa katunayan, sa darating na 2020 ay magdiriwang na ang United Nations ng kanilang 75th Anniversary. Ngunit ano nga ba ang United Nations? Ang United Nations ay isang intergovernmental organization na responsable sa pagpapanatili ng international peace and security. Tungkulin ng organisasyon ang pagbuklod-buklurin ang mga bansang miyembro nito upang makamit ang pagkakaisa tungo sa anumang layunin na ninanais ng mga kasapi para sa ikabubuti ng lahat.

Isa sa labis na pinagtutuunan ng pansin ng organisasyong ito ay ang usapin tungkol sa Climate Change. Ayon sa United Nations, “Climate change is the defining issue of our time and we are at a defining moment.” Mula sa pabago-bago hanggang sa hindi maintindihang klima o lagay ng panahon na lubhang nakaaapekto sa seguridad ng produksiyon ng ating food resources, hanggang sa pagtaas ng lebel ng tubig na nagdudulot ng mapaminsalang pagbaha, talaga namang hindi maitatanggi na isa itong suliranin na dapat nang bigyang pansin.

“Without drastic action today, adapting to these impacts in the future will be more difficult and costly,” apela ng United Nations.

Taong 2013 nang itinatag ng World Meteo­rological Organization (WMO)  at United Nations ang Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC). Mula sa pagkakatatag ng IPCC ay nagsimula silang alamin kung ano nga ba ang papel ng mga aktibidad ng mga tao sa patuloy na pagbabago at paglala ng pandaigdigang klima. Matapos maisapubliko ng IPCC ang kanilang Fifth Assessment Report, lumabas na ang climate change ay isang tunay na suliranin at ang mga aktibidad ng mga tao ang pangunahing rason sa problemang ito.

Kamakailan lamang ay idinaos ng United Nations ang UN Climate Action Summit sa kanilang headquarters sa Estados Unidos. Layunin ng summit na magtipon-tipon ang mga lider mula sa iba’t-ibang bansa upang talakayin ang mga nararapat na aksiyon upang mapababa ang greenhouse gas emissions na isa sa nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng mundo. Sa nasabing summit, iniulat ng mga world leader ang kasalukuyan nilang hakbang at mga plano nila sa hinaharap upang makatulong sa paglaban sa climate change.

Environmental activist Greta Thunberg, of Sweden, addresses the Climate Action Summit in the United Nations General Assembly, at U.N. headquarters, Monday, Sept. 23, 2019. (AP Photo/Jason DeCrow)

Iprinisinta rin sa UN Climate Action Summit ang Teen Activists at isa na si Greta Thunberg na labis na pinag-usapan matapos niyang bitawan ang mga maiinit niyang pahayag para sa nagsidalong leaders.

Aniya, “You have stolen my dreams and my childhood with your empty words. And yet I’m one of the lucky ones. People are suffering. People are dying. Entire ecosystems are collapsing. We are in the beginning of a mass extinction, and all you can talk about is money and fairy tales of eternal economic growth. How dare you!” Umani ng samu’t saring reak­siyon ang pahayag na ito ni Greta dahilan upang mas talakayin ang issue ukol sa climate change.

Sa pagtatapos ng Climate Action Summit, wika ni António Guterres, Secretary-General ng UN, “we need more concrete plans, more ambition from more countries and more businesses. We need all financial institutions, public and private, to choose, once and for all, the green economy.”

Lahat nawa ng nabanggit ay magpatuloy at magbigay daan upang ang bawat isa sa atin ay gumawa ng hakbang na mas magpapalakas sa mga kasalukuyang proyekto tungo sa environmental protection and conservation para labanan ang climate change.