UNPAID SALARIES NG OFWs AASIKASUHIN NG DOLE

salary

NASA Kingdom of Saudi Arabia sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac upang talakayin sa kanilang counterpart ang isyu hinggil sa unpaid salaries at benepisyo ng mga  Filipino worker sa mga kompanyang may problem sa nasabing bansa.

Sa ulat, libo-libong OFWs, dating mga manggagawa ng Saudi Oger company ang patuloy na umaapela na bayaran sila at ang kanilang service benefits.

Ayon kay Bello, na tinatangka naman ng  Saudi labor officials na ibigay ang pasuweldo.

Una nang nagtungo sina Bello at Cadac pa-Saudi para sa nasabing problema ng mga OFW.

Magugunitang nangako si  Bello na gagawan niya ng paraan upang makausap ang Saudi labor officials upang resolbahin ang problema ng mga Filipino worker.

Bukod sa pulong, pasisinayaan din ang bagong POLO-OWWA office sa Riyadh. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.