UNUSED RFID LOAD, REFUNDABLE?

Laking pasasalamat ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa DOTR at Toll Regulatory Board na binawi nila ang pagpapataw ng malalaking multa sa walang RFID o kulang sa load kapag dumadaan sa mga tollways. Mananatili ang cash lanes.

At pagmumultahin pa ang mga toll operators at RFID providers na palpak sa performance indicators, kabilang ang delay sa pagpasok ng RFID load at palpak na mga barriers.

Pero may tanong ang LCSP. Pwede ba ma-refund ang binayad sa load kung hindi ito nagamit?

Aksaya kasi ang tinatawag na “floating money”. Halimbawa, nag-load ka ng P1000 pero P300 lang ang nagamit, maaari bang ma-refund yung P700? Pera naman nila yun!

Isa pang tanong, pwede bang magbayad sa tollways gamit ang credit card, debit card, paymaya, GCash o ano mang e-wallet?  Cashless mode of payment din yun.

Ang option ng pagbabayad sa tollways ay dapat sa motorista dahil sila ang nagbabayad sa paggamit ng toll. Bakit lilimitahan ang option sa isang RFID provider lang?

Sana ay makonsidera ng DoTR at TRB ang pagiging refundable ng RFID load na hindi nagamit.

Ariel Antonio E.I.