UP TO 10% OFF TUWING UNANG MARTES! TARA NA AT IPAGDIWANG ANG KABAYAN DAY SA SM MALLS KASAMA ANG BDO REMIT

Magandang balita para sa mga pamilyang Pilipino na may mga kamag-anak abroad! Ang BDO Remit, na mapagkakatiwalaang serbisyo ng remittance ng BDO Unibank, ay nag-partner sa SM upang ilunsad ang “Kabayan Day,” isang eksklusibong treat na magaganap tuwing unang Martes ng buwan.

Mabuhay ang ating mga modernong bayani o Overseas Filipino Workers (OFWs)! Ang BDO Kabayan Day ay nagbibigay sa kanila ng eksklusibong discount sa SM.

Ang Kabayan Day ay hindi lang tungkol sa discounts. Ito ay paraan ng pasasalamat sa ating masisipag na Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya. Mag-enjoy ng hanggang 10% off sa mga SM affiliates sa buong bansa tulad ng SM Store, SM Appliance, SM Cinema, SM Skating, SM Bowling, SM Game Park, Sports Central, Toy Kingdom, Baby Company, Watsons, Miniso, Surplus, at Ace Hardware.

Ipinapakita ng inisyatiba na ito ang dedikasyon ng BDO Remit at SM na pahalagahan ang mga Pilipino na kumakayod abroad. Layunin nito na magbigay ng isang espesyal na araw upang ipakita ang pasasalamat sa mga sakripisyo at kontribusyon ng mga OFWs.

Handa ka na bang ipagdiwang ang Kabayan Day? Bisitahin ang pinakamalapit na SM tuwing unang Martes ng buwan at huwag kalimutang dalhin ang iyong BDO Kabayan Savings ATM card, Passbook, o isang validated remittance payment slip upang magamit ang mga discount.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang http://www.bdo.com.ph o i-follow ang BDO Kabayan Facebook page.