UP VS ATENEO

up

WALANG pagsidlan ang kaligayahan ng kampo ng UP Fighting Maroons nang manalo laban sa on the spot- pilipino mirrorAdamson ­Soaring Fal-cons sa kanilang do-or-die match  sa UAAP men’s basketball tournament kamakalawa ng hapon sa Araneta Coliseum.

Grabe, makalipas ang 32 years, ngayon lang muling pumasok sa championship ang UP Diliman. Iyakan sa sobrang tuwa ang mga bataan ni coach Bo Perasol at ang coaching staff na kinabibilangan nina Rodney Santos, Poch Juinio at coach Ricky Dandan. Sino ang mag-aakala na papasok sa finals ang UP gayong mabigat na kalaban ang Falcons? Hindi basta-basta ang tropa ni coach Franz Pumaren lalo na’t underdog ang UP. Sadyang bilog ang bola, kaya naman ginamit ng Maroons ang lakas nila at sinamantala ang kahinaan ng kalaban.

Sino ang mag-uuwi ng kampeonato? Ateneo Blue Eagles o UP Maroons? Malakas kung sa malakas ang Blue Eagles, pero ang tanong, palalagpasin pa ba ng Maroons ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng tadhana? Sa totoo lang, malakas ang import ng UP kaya ganoon na lamang ang pamamayagpag nila.



Ngayon lang namin napag-alaman na bukod sa pagiging head coach ni Ronnie ‘Toto’ Dojillo sa De Ocampo College ay aba-lang-abala rin siya sa pagsasagawa ng basketball clinic sa Alcala, Cagayan Valley. Kada Linggo ay umuuwi ito kasama ang kanyang mga player para turuan ang mga kabataan na pawang gustong matutong mag-basketball at makapaglaro sa iba’t ibang school o uni-versities sa Manila. Sa mga hindi nakaaalam, dating player ng PBL league si Dojillo. Player siya ni Mr. Go Teng Kok. Ang De Ocampo College ay matatagpuan sa Pureza, Sta. Mesa. Good  luck coach, sobrang sipag mo!



Nakatutuwa naman ang mga legend na sina Allan Caidic, Alvin Patrimonio at Jerry Codinera na naging panauhin ng Eat Bulaga para sa contest nilang BOOM noong nakaraang linggo. Bukod tanging si Caidic  ang nakaperpekto ng sagot. Si  coach Codinera ay nakadalawang tama ng sagot pero pagdating ng tatlo ay nasabugan na siya. Si Patrimonio naman ay walang nasagot, nasabugan agad medyo mahirap ang katanungan na napunta sa kanya na iba’t ibang  dialect na ang kahulugan ay SALAMAT. Pure tagalog si Alvin kaya nasabugan agad siya.



PAHABOL:  Happy happy birthday kay Ma­yora Criselda ‘Dang’ Antonio. May you have more birthdays to come. Wishing you good health and more success.

Comments are closed.