NAISAAYOS ng University of the Philippines ang men’s Finals rematch sa reigning four-time titlist National University matapos ang 3-2 panalo laban sa Ateneo sa UAAP Season 81 badminton tournament kahapon.
Naitala nina JM Bernardo at Vinci Manuel ang 21-15, 21-15 panalo laban kina Fides Bagasbas at Sean Chan sa second doubles, habang ginapi ni rookie Kyle Legaspi, na bumawi mula sa second set defeat upang igupo si Carlo Remo, 21-12, 9-21, 21-17, sa deciding singles upang kunin ng Fighting Maroons ang tie.
Ipinagkaloob ni Bernardo ang isa pang panalo ng UP sa pamamagitan ng 24-22, 21-4 pagdispatsa kay Bagasbas sa first singles.
Sisimulan ng Bulldogs at Maroons ang kanilang best-of-three tie sa Miyerkoles, alas-8 ng umaga, sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Nakompleto ng NU ang 6-0 elimination round sweep at nagwagi ng 41 sunod na ties.
Sa women’s division, nakompleto ng Ateneo ang reversal nito sa twice-to-beat sa NU sa pamamagitan ng 3-2 panalo sa ‘Final Four’ decider upang maisaayos ang Finals duel sa UP simula bukas ng ala-1 ng hapon.
Kuminang sina doubles players Geva de Vera at Chanelle Lunod habang ibinigay ni Samantha Ramos ang clincher sa third singles para sa Lady Eagles upang makompleto ang pag-ahon mula sa 1-2 pagkakabaon sa kapana-panabik na tie.
Natalo rin ang Lady Bulldogs sa semis opener, 1-3, noong Linggo.
Nakopo ng Lady Maroons ang unang slot sa best-of-three championship tie nang tapusin ang paghahari ng De La Salle, 3-1.
Comments are closed.