UP VSB DEAN JOEL L. TAN-TORRES: LOOKING IN REACHING OUT

JOEL L. TAN-TORRES

 Special report ni EUNICE CALMA

MAKATI CITY – NAPUNO ng inspirasyon ang Testimonial Cocktail na inihandog ng Reyes, Tacandong & Co. (RTC) para sa  kanilang tax partner na si Joel L. Tan-Torres na ngayon ay bagong dean ng UP Virata School of Business.

Ginawa ang testimonial noong Oktubre 29 ng gabi sa Dusit Thani Hotel na may theme na “Looking in Reaching Out”.

Unang nagbigay ng testimonial ang kaibigan ni Tan-Torres na si Dr. Joshua Heniro, director, Institute of Management Accountants, na mula pa sa Singapore.

Sinabi ni Heniro na nais niyang magbigay –pugay sa kaibigan niya ng pitong taon dahil sa kahusayan sa propesyon nito.

Sinimulan ang programa sa talumpati ni Roman Felipe S. Reyes, ang chairman ng RTC, kung saan nagpasalamat ito sa kontribusyon ni Tan-Torres sa mundo ng tax law.

Kabilang din sa mga nagbigay ng patotoo bilang mahusay na katrabaho at boss si Tan-Torres ay ang kanyang dating classmate na si Porky Calaquian, ang kanyang dating propesor na si Dr. Lingling Patalinhug, ang dati niyang staff noong siya ay BIR commissioner na si Dr. Dick Baladad at dating kasamahan sa BIR na si BSP Deputy  Gov. Lilia Guillermon habang kasama rin sa listahan na inaasa­hang magbibigay ng testimonya si Sixto Esquivias, dating superior ni JLT sa BIR.

Halos iisa ang sinabi ng mga nagbigay ng testimonya, ang pagiging propesyonal at mahusay na katangian ni JLT.

Ang resulta ng kanyang performance ay tumugma sa pagiging  top notcher sa Certified Public Accountant Licensure Examination  noong Mayo 1979.

Excellent din ang ibinigay na grado kay Dean Tan-Torres ng mga nagbigay ng testimonial para sa kanya gayundin ang pag-darasal ng mas higit pang tagumpay sa panibago nitong journey bilang top academe sa UP VSB.

“Tahimik subalit matinik”, isa sa testimonya para kay JLT.

Sinabi rin ni Guillermon na mentor para sa kanya si JLT at marami siyang natutunan sa bagong UP VSB dean.

REFORMIST

Isinalaysay naman ni Dean Tan-Torres ang pagpasok niya sa bagong mundo o pagtatalaga sa kanya sa higher education,

Aniya, Oktubre 21 nang pormal siyang umupo bilang dean ng UP VSB habang si UP President Danilo Concepcion ang gumabay sa oath taking.

Naniniwala si Tan-Torres na ang kaniyang isinumite na visions and plans para sa UP VSB ang basehan ng pagpili sa kanya.

Tiniyak naman ni Dean Tan-Torres na kung ano ang kanyang isinumiteng visions and plans ay kaniyang ipatutupad sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Kasama roon ang pagpapagana sa kanilang cafeteria at renobasyon ng gusali ng UP VSB para magamit ng mga guro at ng mag-aaral.

“I am ready to do my share in addressing these responsibilities of the UP and the school.  In pursing the tasks of the Deanship, I will bring my passion and experiences derived from my 40 years of career work both in government and private sector, I will confident that I will do well in my new role,” ayon pa kay Dean Tan-Torres.

Comments are closed.