INAANYAYAHAN ng LIKHAAN: UP Institute of Creative Writing (ICW) ang lahat na makisaya sa UP Writers’ Night 2019. Ang naturang pagtitipon ay taon-taong ginaganap upang makadaupang-palad ang mga batikan at nagsisimula pa lamang na manunulat ng bansa. Gaganapin ito sa November 22, 2019 sa new UP College of Fine Arts Building, University of the Philippines Diliman.
Sisimulan ang selebrasyon ng awarding ceremony ng 19th Madrigal-Gonzalez Best First Book Award (MGBFBA) ng alas-2:30 hanggang 4:00 PM sa Plenary Hall. Ang mga finalist sa taong ito ay sina Francis Paolo Quina para sa Field of Play and Other Fictions; Marichelle Roque-Lutz for Keeping It Together; Christine Lao for Musical Chairs; Manuel Lahoz para sa Of Tyrants and Martyrs; Jude Ortega for Seeker of Spirits; Sarah Lumba for The Shoemaker’s Daughter; Glenn Diaz for The Quiet Ones; at Johanna Marie Lim sa kanyang What Distance Tells Us. Ang judges sa taong ito ay sina Charlson Ong, Marne Kilates, at Rica Bolipata-Santos.
Kasunod nito ay ang registration at dinner para sa Likhaan Journal Book Launch ng alas-siyete ng gabi. Ipakikilala ng UP ICW ang 13th volume ng annual Likhaan: Journal for Contemporary Philippine Literature. Ngayong taon ang issue editor nito ay si Vladimeir Gonzales.
Sa naturang event ay ila-launch din ang tatlong librong inilathala ng ICW: ang Látag: Essays in Philippine Literature, Culture and the Environment (Timothy Ong and Isabela Lacuna, eds.), Tanabata’s Wife: From Text to Screen (Choi Pangilinan, ed.), at Here and Now: Selected Poetics from the UP National Writers Workshop (Francis Quina, ed.).
Magkakaroon din ng special launch ng 2019 works ng ICW fellows at workshop alumni. Kabilang sa magla-launch ay sina Vladimeir Gonzales sa kanyang Mga Tala ng Isang Super Fan: Fan Poetry at Fan Fiction, Collected Stories & Tales ni Cristina Pantoja-Hidalgo, Ronnie E. Baticulon’s Some Days You Can’t Save Them All, Rene Boy Abiva’s Poelitika, Che Sarigumba’s Sana Kahit Minsan, A Love Story, at Arvin Mangohig’s Martial Law: Poems for the Dead.
Pagkatapos ng book launch, magkakaroon naman ng special performance ang Baihana, si Bayang Barrios, at ang Plagpul. Mabibili rin sa naturang pagtitipon ang iba’t ibang libro, zines at merchandise mula sa iba’t ibang publishers at artists.
Bukas sa publiko ang pagtitipon.
Comments are closed.