ISA kang bayani ng mga mamamayang Filipino. Ikaw ang kauna-unahang public official na nagbulgar sa bureacratic paralysis, gross incompetence at regulatory backwardness ng DOH at FDA ukol sa pagharang at pag-ipit sa daan-daang libong rapid Covid-19 test kit na maaari na sanang mai-deploy para sa ating mga frontliner at mga barangay.
Dismayado na nga kasi ang mga mamamayan matapos na harangin ng Department of Health, Food and Drug Administration at ng Research Insitute for Tropical Medicine ang kritikal na Covid-19 on site test kit or rapid test na ginagamit sa Tsina, South Korea, Taiwan at ngayon ay sa Europa.
Ang On-Site Test kit na ito na aprubado ng China FDA at CDC, pasado sa CE Mark Standard ng Europa, nasertipikahan naman ng FDA ng South Korea at Taiwan ay mistulang ipinagkakait ng pamahalaan sa mga mamamayang Filipino.
Ang aprubado lamang sa gobyerno ngayon ay ang PCR Covid-19 Testing Method na nangangailangan ng laboratoryo, at sa ngayon limang laboratoryo sa bansa ang nagsasagawa nito.
Matagal ang resulta sa PCR Method na umaabot ng 2 hanggang 4 na araw samantalang sa On-Site Testing o Lateral Method ay 15 minuto lamang, bukod pa sa may kamahalan ang PCR method kumpara sa presyo ng on-site testing na rekomendado para sa mass Covid-19 testing.
Ayaw kong isipin na may kumokopo sa pamahalaan para sa pagbebenta ng test kit dahil milyon milyong buhay ang nakasalalay rito.
Si Donald Trump mismo ay niluwagan na ang protocol kaugnay sa mass testing sa Estados Unidos at inaprubahan na rin ng US FDA ang rapid testing.
Marami na ang namatay na frontliner sa bansa na hindi man lamang nalaman kung positibo ba sa Covid-19.
Ma’am Usec. Maria Rosario Vergeire, lumalabas na mas magaling ka pa sa US FDA, China FDA, EU CE Mark, Sokor DFA, Indonesia FDA, etc.
Ito lang masasabi ko,sana’y naiiwasan ang casualty kung pinayagan n,yo lamang ang mass testing.
Comments are closed.