(Upang maging mas produktibo, globally competitive)PRIVATE SECTOR AASISTE SA FARMERS, MSMEs

farmers

TIWALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na malaki ang maitutulong ng pribadong sektor na Kapatid Angat Lahat para sa Programang Pang-agrikultura (KALAP) sa mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) upang maging “mas produktibo, kumikita, at napananatiling globally competitive.”

“We know very well how MSMEs are crucial in the creation of new ideas, of jobs and wealth in the country, so it is only right that we recognize the power and the influence that this sector holds,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ceremonial signing ng memorandum of agreement (MOA) sa KALAP program kahapon sa Malakanyang.

” We also recognize the role of big corporations in [innovating] MSMEs, spurring their growth, and realizing their potential. Hence, I am very happy to note the objective of the KALAP to integrate small farmers and agri-entrepreneurs into the value chain of large companies,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na kanyang lubos na pinasasalamaan si Jose Maria “Joey” Concepcion 3rd ng GO Negosyo para sa mga pagsisikap na mamuhunan sa ekonomiya, partikular sa sektor ng agrikultura, [na] tunay na instrumento sa pagdadala ng progreso sa ating mga lupain.”

Ang mga partnership na itinataguyod ng Go Negosyo sa loob ng maraming taon ay tiyak na “ang uri ng partnership na inaasahan nating pagsasama-samahin,” sabi ng Pangulo.

Binigyang-diin niya na ang kanyang gobyerno, ang mga pribadong negosyo, at ang mas malaking publiko ay dapat magbigay ng kanilang walang katapusang suporta sa programa at sa isa’t isa.

” I have always said that in the difficulties that we are facing ahead, there is no sector of society that can manage the recovery by itself. And it cannot be done unless the different sectors of society are working together, working together and trying to implement a plan with a common understanding of what is needed to be done, with a common understanding of what people need, without forgetting every part of that sector or that area of the economy,” wika ng Pangulo.

Nais din ng Punong Ehekutibo na ang mga may kinalamang ahensiya ng gobyerno ay makipagtulungan nang malapit sa Philippine Center of Entrepreneurship-Go Negosyo at iba pang mga katuwang sa pribadong sektor habang hinimok niya silang manatiling tapat sa kanilang tungkulin bilang mga lingkod-bayan—na niyayakap ang pagkamakabayan, integridad, at kahusayan para sa tagumpay ng programang KALAP.

Nagpahayag din ang Pangulo ng pag-asa na ang mga pribadong kasosyo at negosyo ng gobyerno ay hindi magsasawa sa pakikipagtulungan sa kanyang administrasyon.

EVELYN QUIROZ