IPINAG – UTOS ng local government unit na likasin ng mga residente ang kanilang tahanan sa Brgy. Luna, Surigao City dahil sa naganap na landslide kung saan dalawang bahay ang naapektuhan.
Tiniyak naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na walang casualty na naitala sa pagguho sa bahagi ng Springville-B.
Isang bahay ang kumpirmadong nabaon sa lupa, samantalang partially damaged ang tinamo ng isa pang bahay.
Nabatid na gawa sa light materials ang mga naapektuhang bahay kaya pinalikas muna ng mga opisyal ang ilang residente na malapit sa landslide site.
Nagpatupad na rin ng mandatory evacuation si Brgy. Chairman Rico Nagas sa limang bahay na nasa Gawad Kalinga area. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.