HINIKAYAT ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Region 5 (Bicol) ang small, micro and medium enterprises (MSMEs) sa rehiyon na iparehistro ang kanilang negosyo upang maka-avail ng suporta at serbisyo ng gobyerno.
Sa panayam sa sidelines ng regional roadshow “Promoting DTI Business Name and Securities and Exchange Commission (SEC) One-Person Corporation Registration” nitong Miyerkoles, sinabi ni DTI-5 Regional Director Dindo Nabol na ang pagpaparehistro ng business name ay tulad ng pagbibigay ng legal status at dagdag na oportunidad sa pagkakakilanlan ng isang tao.
“It’s so important that they legalized their business otherwise, hindi sila maka-avail ng complete set of services ng mga government agencies, hindi sila maka-transact ng mga businesses like for loans How can they avail of these financing programs if they’re not registered? They cannot go out and expand to the maximum. We encourage them to come out to provide their needed assistance,” sabi ni Nabol.
Aniya, ang DTI ay nagpatupad ng full online business name registration process na bahagi ng pagsisikap ng ahensiya na pabilisin ang digital transformation.
“We are implementing 100 percent online registration but for those who don’t know the process, we assist those walk-in applicants using their devices or computer units to proceed with the registration. We do not accept cash payments, it’s all through digital payments,” dagdag pa niya.
Ayon kay Nabol, base sa kanilang record ay malaki ang itinaas ng business name registration mula 2022, 2023, at sa first quarter ng 2024.
Nagtala ang DTI-5 ng 17,000 para sa 2022; 21,000 sa 2023; at 16,000 para sa first quarter ng taon.
Ang one-day regional roadshow ng DTI ay isinagawa sa Laguna. Ang susunod na lokasyon ay ang Tarlac, La Union, at National Capital Region.
Samantala, sinabi ni Nabol na ang katatapos na Orgullo Kan Bicol (OKB) regional trade fair sa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City ay nagbunga ng mahigit na P13 million na benta.
“We exceeded the target of PHP10 million, we generated PHP13 million initially since others weren’t able to submit the report. Bicol products have evolved and have become world-class as these products underwent a series of intensive product development before the exhibit,” aniya. (PNA)