UPCAT PARA SA AY 2021-2022 KINANSELA

UP

INIANUNSIYO ng University of the Philippines na kanselado muna ang  UP College Admission Test (UPCAT) para sa Academic Year 2021 to 2022 dahil sa  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Sa isang post  sa website ng UP,  ang University Councils ng  ng walong constituent universities (CUs)  ng UP System ay nagpasya unanimously na huwag munang magdaos ng admission test para sa susunod na school year.

“As stated in a memorandum issued by the Office of the Vice President for Academic Affairs on 30 October 2020, the University Councils of the CUs unanimously voted not to administer UPCAT in light of logistical issues in the paper-and-pencil testing of about 100,000 17-year old applicants,” ayon pa sa state university.

Sa halip ay magsasagawa na lamang ng modified freshmen admissions system para sa nalalapit na school year sa February 2021.

Sinomang interesadong freshmen students ay pinayuhang mag-monitor sa official website at  social media accounts ng UP para sa  updates at announcements  ng proseso ng aplikasyon

Magsisimula ang application period sa susunod na buwan.

Comments are closed.