UPCAT RESULTS, NAG-ABISO SA DELAY ONLINE

UPCAT

NAGBIGAY ng abiso ang pamunuan ng University of the Philippines (UP) sa posibleng delayed release ng mga resulta ng kanilang College Admission Test para sa Academic Year 2018-2019 dahil sa ilang “technical difficulty.”

Nabatid na kahapon, Abril 1 ay itinakda ng unibersidad ang paglalabas ng passers ng UPCAT na isinagawa noong September 2018 kung saan aabot sa higit 160,000 na estudyante sa high school ang nag-apply.

“The online viewing of UPCAT 2019 full results at the UPCAT main website will be delayed a few hours due to some technical difficulties as we shift to a new system,” ayon sa UP System.

Bukod pa sa online release, mayroon ding public viewing sa UP System Office of Admissions sa Diliman campus, Quezon City. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.