UPDATED DRUG WATCHLIST INIUTOS NG PNP

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations, Maj. Gen. Valeriano T. De Leon ang lahat ng chiefs of police na laging i-update ang kanilang illegal drug watch list bilang bahagi ng pagsisikap na tuldukan ang nasabing masamang aktibidad.

Sinabi ni De Leon na bagaman maganda ang performance ng pulisya sa paglaban sa droga sa kani-kanilang nasasakupan, kailangan pa ring palakasin ang intelligence-gathering upang matukoy ang mga sangkot sa droga sa bawat komunidad.

“We cannot lower our guard because there will be new players who may take over the operations of the drug traffickers that we neutralize.. We should not allow that to happen,” dagdag pa ni De Leon.

Ipinaalala rin ni De Leon sa lahat ng police commanders na ipagpatuloy ang kampanya laban sa illegal drugs sa gitna ng posibilidad na dumami na naman ang illegal drug activities lalo na’t bababa na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sigurado naman si De Leon na itutuloy ni President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naumpisahang masigasig sa paglaban sa droga ni Duterte.

Aniya, isa sa basehan ang naging pahayag ni BBM na bukas siya na kunin ang serbisyo ni Duterte para maging katuwang niya sa paglaban sa illegal drugs.

“This is proof that incoming President Marcos really appreciates what President Duterte has started.” “And this serves as an assurance of the continuous support of the next administration to the aggressive campaign against illegal drugs,” ayon pa kay De Leon. EUNICE CELARIO