UPDATED RED LIST COUNTRIES INILABAS NG IMMIGRATION

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang updated Red list na kanilang ipapatupad alinsunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, bukod sa mga bansang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique ay dinagdagan pa ng IATF ang listahan kabilang ang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15.

“Those coming from red list countries within the last 14 days prior to arrival shall not be allowed to enter the Philippines,” ayon kay Morente.

Dagdag ni Morente na ayon sa ruling ng IATF, pinapayagan ang pagpasok ng mga Pilipino na tinulungan ang kanilang pagbabalik via government at non-government repatriation at Bayanihan flights, gayunpaman, sasailalim pa rin sila sa health protocols na itinakda ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Pero nilinaw ni Morente na ang mga nakasakay na nasa Red List countries at makakarating bago mag-Nobyembre 30 ay maaring pumasok ng bansa subalit sasailalim pa rin sila sa itinakda ng BOQ protocols.

“The IATF deemed it necessary to suspend the entry of foreign tourists, given worldwide concerns over the Omicron variant,” ayon kay Morente. “For now, the current general travel restrictions stand. Only Filipinos, balikbayan, and those with long term visas from green and yellow list countries may be allowed entry,” dagdag pa nito.

Sa parte ng BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, pinaalalahanan nito ang airline companies na masusing inspeksiyunin ang mga dokumento ng mga biyahero bago sila mag-boarding at masiguro na tanging ang mga pinapayagang makapasok ang makalipad dito sa bansa .

“We are conducting 100% passport inspection to ensure that we see the complete travel history of the arriving passengers,” ayon kay Capulong. He warned that aliens who are inadmissible but were allowed to board will be denied entry, and will warrant a penalty to the erring airline,” giit pa ni Capulong. PAUL ROLDAN