UPGRADE SA MANILA NORTH HARBOUR PORT, INC. (MNHPI) NATAPOS NG PPA

BAGO magpasko ay nakumpleto ng Phi­lippine Ports Autho­rity (PPA) at ng Manila North Harbour Port, Inc. (MNHPI) ang unang bahagi ng mga upgrades sa Manila Northport Terminal.

Ayon sa pamunuan ng PPA ang mga updates at mga karagdagang ba­hagi nito ay nakatuon para sa mas mabilis at maayos  na daloy ng biyahe para sa libo libong pasahero  sa naturang pantalan.

Kabilang sa mga naging upgrades sa pantalan ay ang mas makabagong pasilidad nito gaya ng  modernized restrooms, mas maayos na departure area, tatlong bagong x-ray baggage inspection baggage machine at ilan pang mga renovations.

Samantala, tiniyak din ng PPA at MNHPI na hindi ito ang magiging huling bahagi ng Northport upgrades.

Ayon kay PPA Ge­neral Manager Jay Da­niel Santiago, tuloy tuloy ang mga nakaplanong renobasyon sa pantalan pagpasok ng Enero sa susunod na taon para sa mas maayos na  daloy ng mga pumapasok na pasahero.

VERLIN RUIZ