UPLB FACILITY GAGAMITING VACCINATION CENTER

UPLB

NAKATAKDANG ipagamit ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) ang kanilang mga pasilidad bilang COVID-19 vaccination center.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), nakipag-usap na ang UPLB administration sa mga lokal na opisyal ng Los Baños at Bay sa Laguna, upang ialok ang gymnasium ng campus bilang karagdagang vaccination center.

Idinaos ang pulong matapos na mag-isyu ang CHED at ang Union of the Local Authorities of the Philippines (ULAP) ng joint statement at nananawagan ng partnership para matulungan ang pamahalaan sa COVID-19 recovery.

“We responded to CHED’s commitment with the Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) to have the facilities of higher education institutions (HEIs) as vaccination centers for the country’s expanded immunization program. UPLB, through the guidance of our UP President Danilo Concepcion, was very supportive of the initiative,” ayon naman kay UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr.

Nabatid na ang mga UPLB personnel at mga residente sa mga nasabing munisipalidad, na kabilang sa A1 at A2 categories sa vaccine prioritization list, ay nakakuha na ng unang dose ng bakuna sa loob ng campus.

Inatasan na rin ng UPLB ang kanilang medical professionals at support staff na tumulong sa pagbabakuna sa mas marami pang residente.

Kaugnay nito, pinuri naman ni CHED chairman Prospero De Vera III ang UPLB sa ginawa nito at sinabing makatutulong ito upang maprotektahan ang kanilang  staff members na nagkakaloob ng essential education services.

Ani De Vera, ang mga personnel ng mga higher education institutions ay dapat ding maging prayoridad sa vaccination program dahil kinakailangan sila sa pagpoproseso ng mga dokumento ng mga estudyante na magpapatuloy ng kanilang pag-aaral o yaong mga magsisipagtapos na.

“The inclusion of the UPLB campus as additional vaccination center will also ensure that with the arrival of additional vaccines in the coming months to cover the UPLB skeletal workforce under A4, our education frontliners will be assured of their vaccination and there will be no delay in the processing of the documents of students who will continue their studies or look for work,” dagdag pa ng CHED chairman. BENEDICT ABAYGAR, JR.

8 thoughts on “UPLB FACILITY GAGAMITING VACCINATION CENTER”

  1. 216245 463147Its really a cool and useful piece of data. Im glad which you shared this useful details with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 801447

Comments are closed.