TINANGGAP ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas ang 530 edible landscaping starter kits na ipinagkaloob ng University of the Philippines Los Banos (UPLB).
Ang ipinagkaloob ng UPLB na starter kits ay tungkol sa urban farming sa pamamagitan ng edible landscaping.
Ang 530 edible landscaping starter kits ay ipinagkaloob sa lungsod ni Dr. Fernando Sanchez Jr., professor at project leader ng edible landscaping ng UP Los Banos College of Agriculture and Food Science – Institute of Crop Science.
Personal namang tinanggap nina Mayor Imelda Aguilar, Vice Mayor Nery Aguilar at city veterinarian/city agriculture officer-in-charge Dr. August Michael Basangan ang donasyong starter kits.
Ang Las Pinas ay isa sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na pinili ng UP Los Banos na maging bahagi ng Department of Agriculture–Bureau of Agricultural Research project dubbed “Edible Landscaping Magtanim ng Gulay para sa isang Masagana, Malusog at Makulay na Buhay.”
Ang mga starter kits na idinonate sa lungsod ay makatutulong para sa mga may gustong magtanim ng gulay at gawing edible gardens ang kanilang likod bahay. MARIVIC FERNANDEZ