UPLOADER NG KOREANONG INAKALANG MAY VIRUS INASUNTO

NBI

PINAHARAP sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lalaki na nag-upload ng fake news ng Koreanong lasing lamang na inakalang may Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa NBI, pinatawag si Zaldy Magui­gad matapos nitong i-post sa social media ang umano’y Chinese national na bumagsak sa may Taft Avenue, Ermita Maynila  dahil sa virus na kalaunan ay napag-alaman na isa palang Koreano at nakatulog lamang sa bangketa dahil sa sobrang kalasingan.

Sinampahan na rin si Maguigad ng NBI dahil sa paglabag sa  Article 154 ng Cybercrime Prevention Act .

Sa ilalim ng batas, ang sinumang nagpapakalat ng maling balita  o fake news na nagdudulot ng panic sa publiko  ay maaa­ring kasuhan at pag-mumultahin ng P40,000 hanggang P100,000.

Bukod dito, maaari ding makulong ng hanggang anim na buwan.

Paalala naman ni NBI Spokesperson Ferdinand Lavin sa publiko na huwag basta-basta magse-share ng videos na hindi verified lalo na aniya kung ito ay walang basehan at malicious. PAUL ROLDAN

Comments are closed.