UPUAN SA MGA SASAKAY NG KOTSE MULA 12 PABABA

child-car-seat-safety-bill

SA BOTONG  225-0, madaling naipasa sa Kongreso ang  child car-seat safety bill, na makasisiguro sa kaligtasan ng mga bata sa pagsakay nila sa mga sasakyan.

Sa ilalim ng nasabing panukala, oobligahin ng gobyerno ang mga magsasakay sa mga batang nasa edad 12-anyos pababa na magkaroon car seat o upuan para sa kanila.

Pagbabawalan din ang mga batang maupo sa harapan ng sasakyan  na mas malapit sa peligro.

Ang panukala ay nai-refer na sa Technical Working Group para mas plantsahin pa ang  ilang katanungan.

Nakahain na sa Senado ang nasabing panukala.

Comments are closed.