URI NG NEGOSYO NA PAPATOK SA IYO

HINDI lahat ng itatayong negosyo o kompanya ay agad na papatok.

Wala ring makapagsasabi na bagay sa iyo ito at kung magiging dahilan ng iyong pag-asenso.

Ang magandang management at tagumpay ang magsasalita na bumagay sa iyo ang itinayong kompanya.

Hindi batayan ang pag-angat ng kabuhayan ng ibang taon upang gayahin mo ang pinasok nilang negosyo.

Laging tatandaan na ang pagpasok sa negosyo ay isang mahalagang usapin at malaki ang kaibahan nito sa pagpasok sa tamang negosyo.

Ang pagnenegosyo ay isang proseso na kadalasang nangangailangan ng maraming panahon at pera subalit wala namang garantiya na babalik ito.

Narito ang ilang tips para malaman mo ang tamang negosyo para sa iyo

  1. Dapat tandaan na pinakamabuting gawin ang bagay o negosyo na iyong ikasasaya.

    Kung gusto mo ang iyong ginagawa at may problemang biglang dumating, hindi ka agad mawawalan ng gana sa pinasok mong negosyo. Kung nag-negosyo ka nang dahil lamang sa pera tiyak na agad mo itong ititigil sa sandaling makaranas ng kagipitan sa halip na hanapan  ito ng solusyon.

    Subalit kung nasisiyahan ka sa negosyo mo, tiyak na gagawa ka ng paraan paano ito iaangat.

  1. Dapat mo ring isaalang-alang ang mga sumusunod:
    a. Saang aspeto ka magaling?
    b.Saang aspeto ka maraming alam?
    c. Batay sa mga naririnig mo sa ibang tao, ano ang iyong kagalingan?
    d. Anu-ano ang iyong mga special interest?
    e. Kung wala kang utang at mayroon kayng malaking investment sa bangko, ano ang gusto mong gawin sa buong buhay mo?
  2. Matapos mong matukoy ang iyong interest, tandaan na hindi natatapos ang pagdaloy ng mga ideya para sa iyong itatayong negosyo. Subalit dapat matuto kang pumili ng mga ideya na tiyak na magiging epektibo sa iyong negosyo.
  3. Bawasan ang mga pumapasok na ideya na sa tingin mo ay mag-aaksaya ka lang ng panahon at pera. At sa bandang huli ay pumili ng pinakamagaling na ideya para sa iyo.

Tatandaan na ang pagpili ng tamang negosyo para sa iyo ay hindi lamang tungkol sa iyong mga wish o kahilingan na nais tuparin. Ang tamang negosyo ay ang negosyong hindi lamang pera ang dapat pairalin kundi ang negosyong tiyak na makukuha mo ang iyong kasiyahan.