Uric acid, paano labanan?

Normal na body waste product ng katawan lamang ang uric acid. Nabubuo ito kapag naasag ang mga kemikal na kung tawagin ay purines. Natatagpuan ito sa katawan ng tao. Nakikita rin ito sa mga pagkain tulad ng atay, shellfish, at alak. Nabubuo din ito sa katawan kapag nabasag ang DNA.

Tumataas ang uric acid sa dugo dahil sa tinatawag na diuretics (water retention relievers). Nakaaapekto rito ang sobrang pag-inom ng alak at softdrinks o kaya naman ay mgga pagkaing may fructose, isang uri ng sugar.

Pero mababawasan ang uric acid kung magpapapayat ang mataba o kaya naman ay ime-maintain ang tamang timbang.

Syempre, kailangan ding uminom ng maraming tubig. Lahat yata ng sakit, kayang gamutin ng tubig, sa totoo lang.

Dapat ding iwasan ang mga pagkaing maraming purine, pati na ang matatamis na inumin, kasama na ang juice at softdrinks.

Kung pwede, uminom ng gatas kahit minsan lamang sa isang araw, kumain ng cherries, at uminom ng Vitamin C.

Pero ang pinakamabuting panlaban sa uric acid ay pag-iwas sa stress.

Pagdating sa pagkain, iwasan ang liver, kidney at sweetbreads na mataas sa purine at nagiging sanhi rin ng high blood levels. Huwag kumain ng baka at baboy, pati seafoods.

Malalamn mong mayroon kang extrang uric acid sa katawan kapag nananakit ang iyong kasu-kasuan. Kadalasang naaapektuhan ng gout ang malalaking buto pero kahit saang bone joint, pwedeng sumiksik ang uric acid.

Makakaramdam din kayo ng discomfort matapos ang pananalit ng kasu-kasuan o kahit sumasakit pa ito – at mananatili ito ng ilang linggo. Magkakaroon din ng pamamaga at pamumula, at magkakaroon din ng limited range of motion.

Konti lang ang purines ngg itlog kaya makatutulong ito upang pababain ang uric acid levels sa dugo. Kyng mahilig naman kayo sa kape, hindi po ito bawal, at sa halip, kahit pa may inconsistency sa resulta kung nakakapagpababa ba ito ng uric acid, hindi naman nito pinatataas ito kaya hindi makaka-develop ng gout an kape.

Kung gusto naman ninyong agarang i-flush out ang uric acid, uminom ng at least waloong baso ng tubig araw-araw.

Kung may pamamaga na, doblehin ang inom ng tubig. 16 glasses sa halio na 8 glasses a day. Makakatulong din ang pag-inom ng Vitamin C.

Maganda rin umano ang saging sa pagpapababa g uric acid. Mayroon itong vitamin C, isag uri ng antioxidant na nagpapababa sa uric acid levels.

Sa kasamaang palad, bawal sa may gout ang galunggong dahil mataas ang lebel ito sa uric acid. Hindi rin pwede ang tuna, mackerel, herring at anchovies pati na ang lobster, scallops at hipon.

Good news! Nakakababa ng uric acid ang kanin, tinapay, pasta, at nakakaalis pa ng pamamaga. Masakakatulong din ang peanut butter at mani, patatas at marami pang iba.

Magandang gamot din ag nilagang luya dahil may antiseptic, anti-inflammatory at healing properties ito. Higit pa diyan, mayroon din itong antioxidants at minerals na makatutulong para mabawasan ang pamamaga, pananakitr ng joint at katawan. NLVN