URN NG LOLANG NAMATAY INANOD NG BAHA, NAWAWALA

CAVITE – IKINA­LUNG­KOT ng buong pamilya ni Lola Alicia Bagalawis ang pagkawala ng URN nito sa kanyang sariling puntod matapos na mawasak ang nitso at lapida nang tangayin ng rumaragasang tubig-baha dulot ng bagyong Kristine.

Ang abo ni Lola Alicia ay nakahimlay sa Love Memorial Park, Brgy. Salcedo-II, Nove­leta, Cavite na namatay noong Disyembre 16, 2023.

Limang araw, bago sumapit ang Undas ay maglilinis sana ang pamangking si Teresita Macapagal sa puntod nito nang laking gulat niya na wala na ang naturang URN at wasak ang lapida nito.

Sa imbestigasyon ng pamunuan ng Love Memorial ay sinabi nitong winasak ng matinding baha ang puntod ni Lola Alicia dulot ng bagyong Kristine dahilan para anurin ito ng baha.

Halos lubog sa ba­ha ang buong bayan ng Noveleta.

Kasalukuyang ipi­na­panawagan ng pamilya ni Lola Alicia ang abo nito at may nakalaang pabuya para sa sinumang makakapagbalik nito sa pamilya.

SID SAMANIEGO