US AT UN NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA PINAS

US and UN

ILANG oras matapos ang madugong Jolo twin explosion na kumitil ng 20 tao at ikinasugat ng 97 iba pa ay agad na tiniyak ng Amerika ang suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa inilabas na statement  ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim, handa ang Amerika na gawin  ang lahat upang makapagbigay ng suporta sa Sandatahang Lakas.

Kasabay nito ay kinondena ni Kim ang naganap na pagsabog.

Maging ang United Nations ay nagpahayag din ng pagkondena sa kaduwagang ipinakita ng mga teroristang nasa likod ng pagpapasabog.

Ayon kay Ola Almagren, UN Resident Coordinators, umaasa sila na sa lalong madaling panahon ay matutukoy at mapana­nagot ang mga responsable.

Nagpaabot din ang opisyal ng pakikiramay sa mga naulila bunsod ng insidente.

Sa inilabas na  communication ng United Nations System in the Philippine, “The United Nation stand in solidarity with all who have been affected by this cowardly act. That it occurs at a historical moments in the peace process in Bangsamoro should strengthen the joint resolve of all responsible parties to pursue lasting peace in a region  that has suffered from conflict for far too long.”

Umaasa rin ang embahada na agad na makaka-recover ang mga sugatan sa insidente. VERLIN RUIZ