NAGLUNSAD ang Servicio Filipino, Inc., isang nangungunang workforce provider sa Filipinas na sangay ng SFI Career Center, ng part-nership sa ACT, Inc., isa sa mga nangunguna ring assessment at workforce development organizations na nakabase sa Iowa City, Iowa, USA.
Inaasahan na ang mangunguna pagdating sa workforce development ay ang trabaho at skills matching, pagpapabuti ng kakayahan ng mga es-tudyante sa academe at trainees na pumapasok sa trabaho, at kasalukuyang labor force para matulungan ang human capital ng bansa at makakumpetensi-ya sa buong mundo kaugnay ng 21st Century skills.
Ayon sa resulta ng taunang survey ng Swiss-based business school International Institute for Management Development (IMD) World Competi-tiveness Center’s “World Talent Ranking 2018,” ang bansa ay nasa ika-55th sa 63 economies, mababa sa 10 mula sa nagdaang taong 45th ranking. Ang pagbaba ay kaugnay sa abilidad ng bansa na makapag-develop, makaakit at magpanatili ng highly-skilled professionals, na lumala dahil sa “persistent job-skills mismatch.” Napansin din sa pag-aaral na iyon ang biglang pagbagsak pagdating naman sa pagiging handa na naging No. 37 mula sa nagdaang taon na No. 11. Ibinulgar ng center na ang labor force ng Filipinas ay “hindi kasing handa o kasing dunong sa mga kakayahan na hinahanap ng kom-panya.”
“We entered into this partnership precisely because we noticed already the alarming skills mismatch, based on the efficacy study we conducted in Bataan. Through this partnership, and together with the government, we hope to implement this on a nationwide scale,” deklara ni Luis “Lloyd” Anastacio II, President and Chief Executive Officer ng SFI Group of Companies, ang parent company of Servicio Filipino, Inc.
Bukod sa ACT WorkKeys Assessments, ang ACT’s KeyTrain Curriculum and Career Ready 101 Courses, at ang International Career Readiness Certification in the Philippines, ay ipakikilala rin.
Ang ACT WorkKeys Assessments, ang pundasyon ng ACT workforce solutions, ay isang skills assessment system na tumutulong sa mga employ-er na pumili, kumuha, mag-train, mag-develop, at magpanatili ng dekalidad na workforce. Ang target na gagamit ng sistemang ito ay ang employers, individuals, educators, workforce developers, industry associations at advocacy organizations.
Ginagamit ang sistemang ito ng dalawang dekada na gamit ang mga sitwasyon sa tunay na buhay sa pang-araw-araw sa mundo ng paggawa para makatulong na sukatin ang essential workplace skills at tulungan ang mga tao na magtayo ng daanan ng kanilang karera.
Nakatutulong din ito na sukatin ang pundasyon at kakayahan, at magagamit para matutuhan ang kalakasan at kahinaan ng mga empleyado at makin-abang ng tamang paraan para ipakita ang abilidad sa employers, at gumawa ng paghuhusga kung paano tingnan at obserbahan ang estudyante, aplikante at kuwalipikasyon ng mga empleyado.
Umaayon sa puwersa ng teknolohiya, ang ACT WorkKeys Assessments ay puwedeng kunin sa online o sa papel. Ang matagumpay na pagkumpleto ng WorkKeys Assessments ay puwedeng magresulta sa ACT WorkKeys National Career Readiness Certificate or NCRC, na iniisyu sa apat na level, at ito ay Platinum, Gold, Silver at Bronze, at nagsesertipika ng essential work skills na kailangan para sa tagumpay ng trabaho sa industri-ya at gawain.
Sa Amerika, mahigit na 16,000 na may-ari ng kompanya ang tumanggap na ng ACT WorkKeys NCRC bilang isang maaasahang paraan para mal-aman kung handa sa trabaho ang mga tao, sa may higit na 3.8 million WorkKeys NCRC‘s na inisyu sa buong US, habang 30 states ang nag-isyu ng “the WorkKeys NCRC” sa statewide o regional programs.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa SFI Group of Companies, Servicio Filipino Inc., bisitahin ang https://serviciofilipino.com. Para sa programa ng SFI Career Center, pumunta sa https://sficareercenter.com. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ACT, Inc., bisitahin ang www.act.org.
Comments are closed.