US CITIZEN, THERAPIST BULAGTA SA AMOK NG ADIK

bulagta

SAN JUAN CITY – PATAY ang tiyuhin na US citizen at isang therapist habang sugatan ang isang nurse nang mag-amok umano ang pamangkin na adik kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ni P/Col. Ariel Fulo, chief of police ang napatay na sina Catalino Bañez, US citizen at Ma. Teresa Antiquera, ngunit ideneklarang dead on arrival sa pagamutan, habang sugatan din ang nurse na si Rhea Antonio, 33-anyos kapwa nakatira sa  Brgy. Little Baguio sa nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Roberto Bañez y Cruz, 59-anyos, pamangkin ng nasawing si Catalino,  nakatira rin sa lugar.

Dakong alas-8:30 nang gabi habang nanonood ng programa sa telebisyon ang mga biktima  ng dumating ang suspek at pumasok sa loob ng bahay na walang sabi-sabi na pinagbabaril nito ang mga biktima kung saan kapwa malala ang tama ng mga nasawi habang nagawa pang makatakas ang sugatang nurse.

Namatay si Catalino on the spot habang naisugod pa sa Cardinal Santos Medical Center si Antiquera ngunit namatay rin habang nilalapatan ng lunas.

Nakipag-barilan ang suspek sa mga awtoridad dakong 12:15 ng madaling araw matapos ru­mesponde sa krimen kaya’t kinailangang gumamit ng tear gas ang mga pulis na ikinadakip ng suspek. ELMA MORALES